Maraming tao ang nagtataka, bakit may mga taong payat pero malakas kumain? at may taong mataba pero kaunti lang kumain?
Ayon sa mga doktor, isang factor sa pagiging payat o mataba ang metabolism.
Kapag edad 30 pababa, mabilis pa ang iyong metabolism at hindi ka gaano tataba. pero kapag lampas edad 40, mabilis nang tumaba at lumaki ang bilbil.
Ang regular na ehersisyo ay nagpapapayat din. Kapag hindi ka nag-papawis sa exercise at lagi lang nakaupo, ay mas mabilis kang tumaba.
May epekto din ang lahi sa ating timbang. Namamana natin mula sa ating magulang ang hugis ng ating katawan at mukha.
At panghuli, may mga sakit na nakaka-apekto sa ating timbang. Halimbawa, ang mga taong may hyperthyroid ay mas pumapayat. Ang mga taong naoperahan sa gallbladder ay mas tumaba. Kapag naman na-stress ang isang indibidwal, puwede itong tumaba o pumayat.