Lalo pang lumakas ang Typhoon Inday at bahagyang bumagal habang nasa karagatan sa Silangan ng Taiwan.
As of 11am kanina, huling namataan ang Typhoon Inday sa layong 335 kilometers hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 km/h.
Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Dahil sa bagyo, patuloy na makararanas ng malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Batanes at western sections ng Central at Southern Luzon.
Uulanin din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero dala ito ng pinagsamang localized thunderstorm at Habagat.
Sa Lunes, inaasahang kikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea ang bagyong Inday at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes ng umaga o hapon.