Suportado ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsasabatas ng National Telecommunications Bill na muling inihain sa 19th Congress.
Sa gitna ito nang naglipanang mga text scam at spam na pumuputakte sa milyun-milyong mobile phone user sa bansa.
Aminado si NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios na malakas ang loob ng mga nasa likod ng text scam dahil hirap ang gobyerno na matunton o ma-trace at maparusahan sila.
Hangga’t wala anyang batas na susugpo sa mga scammer ay asahang lalaganap pa rin ang modus ng mga ito at maraming posibleng ma-biktima.