Isinusulong ng isang Persons With Disability (PWD) group ang pagkakaroon ng mas marami pang disability-friendly commuter facility.
Ito ay matapos kumalat ang video ng isang PWD na umaakyat ng hagdan nang nakasaklay sa LRT-1 sa Balintawak Station, Quezon City.
Ayon kay PWD advocate at dating Makati PWD Federation Vice President Lalaine Guanzon, hindi madali ang pagko-commute sa bansa para sa mga PWD kagaya niya.
Kaugnay nito, inihayag din ng Pambansang Kapisanan ng may mga Kapansanan sa Pilipinas Inc. (PKKPI) na karamihan ng public utilities sa bansa ay nananatiling inaccessible para sa may mga kapansanan.
Ikinalungkot din ni PKKPI President Fe Corpuz ang hindi pagpapatupad ng RA 344 nalubhang nagpahirap sa kanilang sektor upang mas mapadali ang kanilang paglalakbay.
Layunin ng RA 344 na mas mapadali ang pagbiyahe ng mga disabled sa pamamagitan ng pag-install ng sidewalks, ramps, railings. —sa panulat ni Hannah Oledan