Nasa 88% na ang pagkakagawa ng Pampanga Delta Bridge na magkokonekta sa dalawang bayan ng Bulacan.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil K. Sadain, mahalaga ang 270 meter na tulay sa pagpapaganda ng imprastraktura para sa pagpapalago ng ekonomiya sa Masantol at Macabebe sa Pampanga at Calumpit, Hagonoy at Malolos sa Bulacan.
Naglaan naman ang DPWH ng 566.6 million pesos para sa pagtatayo ng naturangbridge na makapagpapalago sa munisipalidad ng Masantol at Macabebe na kilalang sentro ng pagpapaunlad ng aquaculture ng Pampanga. —sa panulat ni Hannah Oledan