Mas bumaba ang kaso ng kidnapping ngayon taon kumpara noong 2021.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Philippine National Police Anti-Kidnapping Group Public Information Officer, Police Major Angelica Carla Macasero na 11 mula sa 29 na kaso ang kanilang naresolba mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Sa nasabing bilang, apat ang naresolba sa kidnapping for ransom, pito naman sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) habang isa ang hindi kaugnay sa naturang kaso.
Nilinaw naman ni Macasero na naaresto na ang mga suspek sa nasabing kaso.
Samantala, bukas ang PNP sa resolusyong ipinapanukala ng senado ukol sa imbestigasyon ng insidente ng kidnapping.