Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa patuloy na suporta ng mga Pilipino sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama kahapon.
Base sa post ng Pangulo, taon-taon aniya nay nakakasama nila ang maraming Pilipino para sariwain ang ala-ala nito at mga nagawa sa bansa.
Kahapon ay dumalo ang Pangulo sa misa sa libingan ng mga bayani sa Taguig City.
Kasama niya si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos, ilan pang mga miyembro ng pamilya, kaibigan at supporters.
ani ng Punong Ehekutibo ang misusukli niya sa Pilipino ay gagandahan nito ang kanyang performance sa mga susunod na taon.