Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang isang taong moratorium sa taunang amortisasyon at pagbabayad ng interes ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB).
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), ang moratorium sa land amortization at pagbabayad ng interes ay naglalayong tulungan sa pasanin ang mga ARB mula sa kanilang mga utang, na magbibigay-daan na gamitin ang pera upang mapaunlad ang kanilang mga sakahan.
Inihayag ni DAR Secretary Conrado Estrella III na ang nilagdaang utos ay bilang paghahanda para sa kongreso na magpasa ng isang batas upang ilibre na ang mga hindi nabayarang amortisasyon at interes sa pautang sa mga benepisyaryo.
Samantala, saklaw ng executive order ang pagbabayad ng amortization fees at loan interests para sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi ng gobyerno sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.