Isang 19-anyos na babae mula sa Brazil ang nag-claim na siya ay nagsilang ng kambal na may magkaiba ang ama.
Ang babae ay mula sa Minerios sa Goias ay nagsilang ng kambal siyam na buwan pagkatapos makipagtalik sa dalawang lalaki sa parehong araw.
Pagkatapos manganak, kumuha siya ng paternity test dahil gusto niyang kumpirmahin kung sino ang ama at nalaman niyang isa lamang sa kanyang mga anak ang nagpakita ng positibo para sa DNA test habang ang isa ay hindi.
Ang phenomenon na ito ay tinatawag na heteroparental superfecundation ayon sa siyensiya.
Ipinapaliwanag ng National Library of Medicine na ang kasong ito ay nangyayari kapag ang pangalawang ova na inilabas sa panahon ng menstrual cycle ay na-fertilize ng sperm cells ng ibang lalaki mula sa hiwalay na pakikipagtalik.
Ang mga sanggol ay 16 na buwan na ngayon at sinabi ng batang ina na isa sa mga ama ang tumulong sa pag-aalaga sa kanila.