Tiniyak ng Land Transportation Office at German Information Technology Provider nitong Dermalog na reresolbahin ang mga problemang kinakaharap ng publiko sa pakikipag-transaksyon sa ahensya.
Kabilang sa mga solusyong ilalatag ang Activation ng Motor Vehicle Registration Information System, na pinaniniwalaan ng LTO at Dermalog na makatutulong upang mabawasan ang mahabang pila sa mga LTO office.
Ito’y makaraang ibasura ng Supreme Court ang petisyon ng isang Anti-Corruption Watchdog na humihirit na ipatigil ang implementasyon ng P836 million na kontrata ng LTO sa Dermalog para sa delivery ng mga lisensya.
Ayon kay LTO chief Teofilo Guadiz, suportado nila ang Motor Vehicle Registration Information System sa Public Portal ng Land Transportation Management System para sa renewal ng mga sasakyan upang mabawasan ang mahabang pila.
Sa oras anya na i-activate, maaaring makapag-renew ng mga sasakyan nang hindi na kailangang magtungo sa mga tanggapan ng ahensya sa iba’t ibang panig ng bansa.