Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 4673, na layuning ipagpaliban sa Disyembre ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Isinumite ang Bill at Committee Report 33 nito sa plenary session para sa deliberasyon.
Layunin ng panukala na itakda sa unang Lunes ng December 2023 ang nasabing halalan sa halip na sa Disyembre a– 5 ngayong taon.
Ito’y upang lubusang makapaghandaan ng Comelec at Local Government Units at magpatupad ng corrective adjustments sa honoraria ng poll workers.
Nakasaad din sa Bill, na dapat magsimula sa tanghali ng January 1 ang termino ng mga mahahalal na Barangay at SK officials sa December 2023. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)