Pabor si Health Reform Advocate at dating Philippine College of Physician President, Dr. Tony Leachon sa hirit ng Department of Health na patawan ng dagdag-buwis o isama sa sin tax law ang mga junk food at matatamis na inumin.
Ayon kay Leachon, dapat munang tukuyin ang mga partikular na junk food at sweetened beverages na dapat patawan ng additional tax upang mapataas ang revenue na gagamitin naman sa Universal Health Care Program.
Kailangan anya ng DOH ang tulong ng Pangulo, mga mambabatas at private sector dahil tiyak na maraming malaking kumpanya ang aalma.
Gayunman, naniniwala rin si Leachon na mahabang panahon ang gugugulin sa pagpapatupad ng dagdag-buwis sa mga nasabing produkto gaya ng sinapit ng Sin Tax at hindi pa ito napapanahon dahil may mga dapat ikunsidera, tulad ng epekto sa ekonomiya ng inflation.