Umaaray na ang grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija dahil sa mababang kita sa mga bagong aning palay.
Ayon sa Amihan – National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, mababa sa ngayon ang presyo ng kada kilo ng mga bagong aning bigas na umaabot lamang sa P16.20.
Sinabi ni Estavillo na ang nasabing presyo ay napakababa kung ikukumpara sa mataas na presyo na kanilang ginagamit na produkto sa pagtatanim partikular na ang pataba.
Samantala, sa naging pahayag naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mahal na umano ang hinihinging P20 na presyo sa kada kilo ng mga bagong aning palay.
Iginiit naman ni Estavillo, na isa sa malaking tulong para maibsan ang problema ng mga magsasaka ay ang limang libong pisong subsidiya mula sa gobyerno.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang sitwasyon ng bigas sa bansa na mabibigay linaw sa nasabing isyu.