Nanawagan si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa pamahalaan na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing produkto at serbisyo sa buong bansa.
Kasunod ito ng desisyon ng administrasyong marcos na palawigin hanggang katapusan ng taon ang state of calamity dahil sa COVID-19.
Giit ni Brosas, dapat na magdeklara ng price freeze ang pamahalaan upang maibsan ang pasanin ng mga pamilyang Pilipinong lubhang naapektuhan ng umiiral na krisis.
Maliban dito, hinimok din ni Brosas ang gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Dapat aniyang maglaan ang gobyerno ng budget para sa pagbibigay ng ayuda at ayusin ang proseso nito upang mas madaling makakuha ng tulong ang mga nangangailangan. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)