Nasawi ang walong katao matapos ang isinagawang roadside bombing sa Peshawar, Pakistan.
Ayon kay Special Weapons and Tactics (SWAT) Senior Police Official Saeed Khan, kabilang sa mga nasawi ang isa sa mga leader ng peace committee sa lugar na naglalakbay sa lugar na pinangyarihan ng insidente kung saan tumama ang naturang bomba.
Agad naman na inako ng Pakistani Taliban Militant Group na Tehreek-E-Taliban Pakistan ang naturang pag-atake.
Mababatid na ang naturang grupo ay sangay ng organisasyon ng iba’t-ibang Islamist Militant Group na nabuo noong 2007 at kumikilos sa Afghan–Pakistani border.