Tumaas ng 36% ang naitalang bagong kaso ng leptospirosis sa Pilipinas.
Batay sa datos ng national leptospirosis data ng Department of Health, nasa 1,770 na ang leptospirosis cases simula Enero a-uno hanggang Agosto bente-siyete, kumpara sa 1,299 noong 2021.
Karamihan sa bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region na may 378; sinundan ng Region 6 na may 210 at Region 2 na may 195.
Mayroon ding naitala ang DOH na 244 deaths dahil kaya’t umabot na sa 13.8% ang fatality rate.