Aabot sa 15,000 fried tilapia ang ipinamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Provincial Fisheries Office sa mga mangingisda sa ilang bayan sa Aklan.
Ito ay bilang selebrasyon ng 59th Fish Conservation Week tuwing ikatlong linggo ng Setyembre kada taon na may temang “Tiyakin ang Pagkain ng Bansa, Isulong Natin ang Likas na Produksyon ng Isda”.
Kabilang sa mga nakatanggap ng fried fish ang mga mangisngisda mula sa mga bayan ng Banga, Madalag, Kalibo, Balete, Malinao at New Washington.