Nirebisa ng gobyerno ang inisyal na target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ng termino ng Marcos Jr. administration.
Ito ay bunsod ng patuloy na mababang bilang ng nagpapabakuna ng booster dose sa bansa.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang inisyal na target ng pamahalaan ay nasa 50 percent ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster shots.
Katumbas ito ng 23 million indibdiwal subalit hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang porsyento ng nababakunahan ng unang booster dose sa bansa na nasa 24% pa lamang.
Kaya’t target ngayon na maabot ang 30% na maturukan ng unang booster pagsapit ng oktober at unti-unti ay makamit ang 50% hanggang 70% na mabakunahan ng 1st booster shot sa katapusan ng taon.