Ipatutupad na sa Maynila ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa “open spaces at non-crowded areas” na may maayos na bentilasyon.
Ito ay matapos ang ginawang special report ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, alinsunod sa Executive Order no. 3 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan inamyendahan ang umiiral na Ordinance no. 8627 hinggil sa mandatory na pagsusuot ng face mask sa lahat ng pampublikong lugar sa Lungsod ng Maynila.
Sa kabila nito ay paiiralin pa rin ang pagsusuot ng face mask sa “indoor public o private places” at pampublikong transportasyon.
Samantala, mananatili ring “mandatory” ang pagsusuot ng face mask sa mga tiangge, kapag may fiesta o iba pang super-spreader events sa nasabing lungsod.