Nakatakda na sa linggo, September 18 ang pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa United States.
Ito ay para dumalo sa United Nations General Assembly o (UN-GA) na gaganapin sa September 20.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ilalatag ni PBBM sa unga ang mga hakbang ng gobyerno tungo sa pagbangon mula sa covid-19 pandemic.
Ang tema ng general debate sa unga ay, “watershed moment, transformative solutions to interlocking challenges.”
Mananatili naman ang punong-ehekutibo sa U.S. hanggang September 24.