Itinurong dahilan ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO) ang isang tuko kaya nagkaroon ng power interruption sa Naga City kamakailan.
Ayon sa CASURECO 2, gumapang sa poste ng kuryente sa barangay Carolina ang nasabing hayop at lumambitin sa linya kaya ito nasunog.
Dahil dito, pansamantalang nawalan ng kuryente sa barangay Del Rosario, Cararayan, Pacol, San Isidro, Carolina at Panicuason.
Agad namang naibalik ang suplay ng kuryente matapos alisin ng casureco ang namatay na tuko.