Muling nag-alburoto ang Mount Kanlaon sa Negros Island matapos makapagtala ng labindalawang volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na bente kwatro oras.
Ayon sa Phivolcs, nagbuga rin ng mahinang usok ang bulkan na may taas na isandaang metro.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone maging ang pagpapalipad ng anumang uri ng eroplano malapit sa kanlaon dahil sa banta ng pagsabog.
Sa kabila nito, nananatili ang alert level 1 sa nasabing bulkan.