Nananatili paring mababa ang target na bilang sa Pinaslakas Program ng pamahalaan sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasunod ito ng pagbago ng Department of Health (DOH) sa target na bilang na tatanggap ng booster shots.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, nabigyan na ng primary doses ang nasa 30% ng bilang at umaasa sila na maaabot ang 50% hanggang 70% ng bilang.
Nito lamang Setyembre 12, lumagpas na o mahigit 72.8% na o katumbas ng 18.6 million ang fully vaccinated na o mayroon nang unang booster shot habang 2.5 million naman ang nakatanggap ng kanilang second booster shot.