Lalo pang nabubuhay ang tiyansang sumabak na sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos ihayag ng alkalde ang kaniyang pagkadismaya sa naging pasya ng Senate Electoral Tribunal o SET na nagbabasura sa reklamong disqualification na inihain ni Rizalito David.
Ayon kay Mayor Digong, malinaw na kuwestyunable ang loyalty ni Senadora Poe dahil sa iniwan nito ang kaniyang pagka-Pilipino para manirahan sa Amerika kung saan, doon na siya nakabuo ng pamilya.
Dagdag pa ng alkalde, ayaw niya na magkaroon ng isang Amerikanong pangulo ang Pilipinas kaya’t mas nanaisin pa niyang sumabak sa pampanguluhang halalan kaysa mangyari pa ito.
By Jaymark Dagala