Nakitaan ng downward trend ang mga kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), bumaba ng 25.5% ang global cases na nasa 5,029 mula August 29 hanggang September 4, kumpara sa 6,746 cases mula August 22 hanggang 28.
Sa kabila nito, sinabi ni WHO Director-General Dr. Tedros Ghebreyesus na hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko at sa halip, ay samantalahin ng mga apektadong bansa at komunidad ang panahong ito na paigtingin ang kanilang mga hakbang laban sa naturang sakit.
88% ng monkexpox cases sa buong mundo ay nagmula sa United States, Spain, Brazil France, Germany, The United Kingdom, Peru, Canada, The Netherlands at Portugal.
Samantala, nananatili sa apat ang bilang ng kaso ng monkeypox sa Pilipinas.