Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na malaking kawalan sa enforcement at traffic management personnel ang pagpapatigil sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ito ay ayon kay MMDA Task Force Special Operations Head Col. Bong Nebrija na aminadong muling sumirit ang mga pasaway na drayber dahil sa hindi organisadong pagpapatupad ng mandato.
Paliwanang ni Nebrija, dagdag trabaho para sa mga enforcers ang panghuhuli ng mga violators at mas nakakabigat sa daloy ng trapiko dahil kinakailangan pa nilang harangin at patabihin ang drayber na lumabag sa batas trapiko.
Gayunman sa ngayon, ginagamit na lang aniya ang mga CCTV camera para ma-monitor ang mga aksidente at agad na marespondehan ito. —sa panulat ni Jam Tarrayo