Lumampas ng halos 5% sa target ang nakolektang buwis para sa buwan ng Agosto.
Ayon sa BIR, nasa halos 229 billion pesos ang nakolekta nilang buwis sa nakalipas na buwan.
Sinabi ng BIR na ito ay mas mataas sa mahigit 219 billion pesos na target ng ahensyang makuha sa Agosto o nasa 23.03%.
Dahil dito, nasa kabuuang 1.559 trillion pesos ang koleksyon ng BIR sa unang walong buwan ng taong ito na nasa 12.25% na mas mataas sa kaparehong panahon nuong 2021.
Binigyang diin ng economic managers na makakatulong sa pagtaas ng koleksyon ang pag digitize rito at iba pang proseso sa gobyerno para maisulong ang social projects at infrastructure developments.