Humihingi pa ng karagdagang panahon ang National Bureau of Investigation o NBI.
Ito’y para imbestigahan pa ang umano’y mga naitatalang insidente ng tanim-laglag bala modus sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Justice Spokesman at Usec. Emmanuel Caparas, sinabi sa kaniya ni Task Force Talaba Chief Manuel Eduarte na kailangan pa kasi nilang kumpletuhin ang kanilang ulat at mangalap pa ng mga dagdag na ebidensya.
Dahil dito, sinabi ni Caparas na posibleng sa susunod na linggo pa maisusumite sa DOJ ang report ng NBI hinggil sa sinasabing modus sa mga paliparan.
By Jaymark Dagala