Nakuha na ng Department of Health (DOH) ang unang tranche mula sa 6-M pediatric COVID-19 vaccine mula sa Australia.
Ayon sa DOH, nasa 2,280,000,000 doses na ng pediatric Pfizer vaccines ang natatanggap nila mula sa Australian Government sa pamamagitan ng suporta ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).
Makakatanggap muli ang health department ngayong linggo ng karagdagang 720,000 doses para makumpleto ang 3-M pediatric Pfizer vaccine doses.
Bahagi ito ng 6-M kabuuang vaccine doses na ido-donate sa gobyerno ng pilipinas bilang suporta sa COVID-19 recovery ng mga Pilipino, kabilang ang mga batang nagsimula nang bumalik sa paaralan.
Mababatid na matagal nang magkatuwang ang UNICEF Philippines at Australian Government sa pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan.- sa panunulat ni Hannah Oledan