Inihayag ng SM Foundation Incorporated na kabilang din sa kanilang programa sa ilalim ng edukasyon ang school building program.
Sa Panayam ng DWIZ, sinabi ni SMFI Executive Director for education Ms. Carmen Linda Atayde na nagsimula ang proyektong ito noong 2001 para magkaroon ng mga karagdagang classrooms.
“So. Ang unang mga ginawang school building ay 1 storey – 2 classroom school building. Pero lahat ng school building samin kumpleto yan pagnagbigay na…Kumpleto na yan may toilets yan, may furniture, may upuan pang-left handed, may bentilador, yung lights at saka every year yan, si Juris, yung head ng aming school building program naghahanap siya kung ano pa yung pwedeng maidagdag. “
Nilinaw naman ni SMFI School Building Program, Head Ms. Juris Umali-Soliman na fully furnished na ang mga school building na idino-donate nila sa mga napiling paaralan.
“Pag-nagdonate kami, full-furnished yan. Tapos may banyo sa loob ng classroom tapos may flush yon, may lababo may apat na wall fan every classroom. Tapos meron din silang napakalaking white board ngayon. White board na naka-curve yon na panoramic para hindi sila nagkakahika dahil sa chalk… Every year laging may mga needs ang mga schools noh… Idinagdag namin yung sa PWD. So, may mga ramps at handrail para sa mga pwd.”
Ang tinig nina SMFI Executive Director for Education Ms. Carmen Linda Atayde at School Building Program head Ms. Juris Umali-Soliman, sa panayam ng DWIZ.