Hindi kailangang mag-angkat ng maraming isda ang Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni association of fresh traders of the Philippines President Jonjon Santos dahil may sapat na suplay naman ng isda.
Pero, aniya, dahil sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo, ilan sa mga mangingisda ang pinipiling hindi mag-operate kaysa mawalan ng perang pangkabuhayan.
Giit naman ni Santos na dapat tulungan ang mga mangingisda hindi lamang ang mga municipal fisherman.
Kailangan din aniyang ayusin ang access sa fishing ground para mapakinabangan ng mga mamimili.
Nabatid na sinabi ni santos na ang 60,000 metric tons ng isda na inangkat ng agriculture department noong unang quarter ng 2022 ay natugunan ang inaasahang kakulangan sa naturang suplay.