Posibleng ratipikahan na ngayong araw ang opisyal na paghahati sa dalawang probinsya ng Maguindanao.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco, 707,651 o 99.27% ng residente sa Maguindanao ang bumoto ng yes sa ginanap na plebisito kahapon, habang 5,206 o 0. 073 % ang bumoto ng no.
12 sa 36 na munisipalidad sa Maguindanao ang nagpasa sa COMELEC ng kanilang canvass of votes, alinsunod sa official canvas ng plebiscite provincial board of canvassers.
Makatutulong ang paghahati upang maayos na magkaroon ng access ang mga Maguindanaon sa ilang basic health services tulad ng edukasyon, healthcare, at transportation.
Una rito, sinabi ni Laudiangco na kapag lumampas sa 70 % ang voters’ turnout ay magiging history na ito pagdating sa mga plebisito.