Umabot na sa daan-daang flights ang kinansela sa France
Matapos magsagawa ng strike ang french air traffic controllers dahil sa isyu ng kanilang sahod.
Ayon sa French Government, aabot sa 420 flights ang nagtigil ng biyahe sa iba’t ibang bahagi ng Europa dahil sa epekto ng 24 hour strike.
Noong biyernes (oras sa Pilipinas), nagsimula ang strike sa mga miyembro ng France’s Syndicate National Des Controleurs Du Traffic Aerien
Nagbabala pa ang Paris Airport na asahan na ang mga delay at kanselasyon sa maraming arrival at departure sa kanilang airlines. - sa panunulat ni Jenn Patrolla