Naglabas ng saloobin ang 7’2 center na si Kai Sotto sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) matapos umanong bakuran o mapanatili sa kanila ang mga manlalarong umaalis umano upang maglaro sa mga liga sa ilang bansa sa Asya.
Sa Twitter post ni Sotto, kaniyang sinabi na dapat itigil na ang pagpigil sa mga manlalarong nagsusumikap at nangangarap na makapaglaro sa pinakamataas na antas sa mundo ng basketball.
Ayon kay Sotto, maraming atleta ang gustong makilala at magkamit ng karangalan sa Pilipinas mula sa ibang bansa.
Samantala, bumanat din sina ex-PBA players Greg Slaughter at Matthew Wright at sinabing maging sila ay pinagsarahan rin ng pinto ng SBP at PBA.
Ayon sa tatlong manlalaro, dapat irespeto ang true ethics o totoong moral sa paglalaro ng basketball, maging pantay sa bawat kompetisyon, at bigyan din ng prayoridad ang ibang manlalaro na naghahangad ng tagumpay sa buhay.