Asahan na bukas ang panibagong tapyas-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene ng ilang kumpaniya ng langis.
Maglalaro sa P4 hanggang P4.30 ang magiging tapyas-singil sa kada litro ng diesel; papalo naman sa P4.40 centavos hanggang P4.60 centavos ang magiging bawas-singil sa kada litro ng kerosene.
Samantala, posible namang tumaas sa 30 centavos hanggang 60 centavos ang presyo sa kada litro ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE), malaking epekto ang pagbaba ng piso kontra dolyar sa pagbabago ng presyo ng produktong petrolyo.
Nagbabala naman ang ilang eksperto na posibleng tumaas din ang presyo ng diesel pagpasok ng taglamig sa Europe at America dahil ito umano ang ginagamit bilang heating fuel na pamalit sa natural gas.