Nagsimula nang mabulok ang mga supply ng bawang sa lubang island, Occidental Mindoro bunsod ng kakulangan ng mga bumibili.
Gayunman, patuloy ang paglobo ng presyo ng nasabing produkto sa Metro Manila dahil naman sa kakulangan ng supply.
Ayon kay lubang mayor Michael Orayani, umaapela sila sa Department of Agriculture na tugunan ang issue at tulungan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga ani.
Hindi naman anya talaga dumami ang supply dahil kaunti lamang ang nagtanim ng bawang lalo’t napakababa na ng presyo nito.
Sumadsad na sa P30 ang kada kilo ng bawang sa Mindoro kumpara sa P300 kada kilo sa Metro Manila batay sa monitoring ng DA.
Samantala, inihayag ni agriculture undersecretary Kristine Evangelista na handa silang makipagpulong sa lokal na pamahalaan ng lubang upang matugunan ang issue.