40 pang dayuhang nagtatrabaho sa isang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) company ang na-rescue sa Pampanga.
Sabado ng hapon nang salakayin ng DILG, PNP, DOJ, NBI katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ang Lucky 99 South outsourcing incorporated sa Angeles City.
Isinagawa ito matapos ang kahalintulad na operasyon ng awtoridad sa isa pang POGO site sa Cainta, Rizal noong Biyernes, kung saan mahigit 80 dayuhang trabahador ang nadiskubre.
Ayon kay interior secretary Benjur Abalos, layunin ng kanilang operasyon na tuldukan ang mga kidnapping at human trafficking incident na may kaugnayan sa POGO.
I-tu-turn-over naman anya ang mga dayuhan sa Bureau of Immigration upang mabatid kung legal ang pananatili at pagtatrabaho ng mga ito sa bansa.
Agad ipinasara ng PAGCOR at DILG ang POGO company matapos matuklasang wala itong lisensya.