Naniniwala ang Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated o PHAPI na hindi pa napapanahon na alisin ang mandatory use ng facemasks sa outdoor settings.
Ito’y sa kabila ng executive order number 3 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos na nagpapahintulot na gawin na lamang “optional” ang pagsusuot ng facemask sa outdoor maliban sa mga indoor areas.
Sa katunayan, ayon kay PHAPI president, Dr. Jose Rene De Grano, dapat ipagpatuloy ng publiko ang pagsusuot ng face masks, lalo’t bahagya muling tumaas ang kaso ng COVID-19 simula nang luwagan ang restriksyon.
Pinayuhan din ni De Grano ang publiko, partikular ang mga immuno-compromised at senior citizen, na magpaturok ng booster bilang dagdag proteksyon ngayong hindi na obligado ang pagsusuot ng facemask sa labas ng bahay.