Naging maayos at mahusay ang isinagawang plebisito para sa paghahati ng lalawigan ng Maguindanao sa dalawa.
Ito ang naging obserbasyon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kasunod ng desisyon ng mahigit 700 libong residente ng lalawigan na hatiin ito bilang Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Pangunahing rason dito ay ang kawalan ng ulat at mga insidente ng karahasan at pananakot sa naturang lugar.
Bukod sa mga pulis na sundalo, napansin din ng PPCRV na nagpakalat ng pamatay sunog para tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan.