Nasa below critical level pa rin ang tubig sa Angat dam sa Bulacan kahit nakaranas ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng nabanggit na lalawigan.
Sa pagtaya ng PAGASA Hydro-Meteorological Division hanggang kahapon, sumadsad pa sa 176.16 meters ang lebel ng tubig sa Angat kumpara sa 176.52 meters noong linggo.
Malayo ito sa minimum operating level na 180 meters at normal high water level na 210 meters.
Inihayag ng PAGASA na hindi naging sapat ang mga pag-ulang dala ng habagat at thunderstorms upang punan ang kakulangan ng tubig sa nabanggit na water reservoir.