Binalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang mga tauhan na agad itong sisibakin sa pwesto sakaling madawit sa illegal drug trade sa mga kulungan.
Ayon kay Chief Director Allan Iral, walang puwang sa kanilang hanay ang mga tiwali at mapang-abuso dahil dala nila ang pangalan ng ahensya sa karangalan at kahihiyan.
Una nang nagbilin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa BJMP na maging mapagmatyag sa mga posibleng pagpasok ng ilegal na droga sa mga jail facilities sa Pilipinas.
Samantala, nagbabala rin si Iral sa mga jail warden na mahaharap ito sa kaukulang parusa sa oras na magkaroon ng illegal drug trade sa kanilang mga kulungan alinsunod sa kautusan ni Abalos. – sa panulat ni Hannah Oledan