Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na bahagi ng pagsisikap ng gobyerno ang pagsugpo sa ilegal na aktibidad ng Phillipine Offshore Gaming Operators (POGO) para mapanatili ang safe business climate sa bansa.
Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. kabilang sa hakbang na ito ang sugpuin ang POGO workers na overstaying, walang dokumento at may expired na visa o working permits.
Paliwanag niya, kailangan kasi ng mga foreign worker ang clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagpapatunay na hindi sila wanted o nahaharap sa anumang kasong kriminal.
Tiniyak naman ni Azurin na walang paglabag sa batas sa bansa at ang mga kriminal na gumagawa ng iligal na aktibidad ay dapat lamang kasuhan.