Tinitingnan ng Commission on Election na magsagawa ng special elections sa 7th Congressional District ng Cavite para punan ang nabakanteng pwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa unang bahagi ng 2023.
Binanggit ito ni COMELEC Chairman George Garcia matapos umapela sa kongreso na pansamantalang hawakan ang pag-apruba sa panukalang batas na mag-require ng plebisito dahil maaari itong makaapekto sa paghahanda ng ahensya sa 2025 midterm polls.
Noong Hulyo, pinagtibay ng House of Representatives ang isang resolusyon na nananawagan sa COMELEC na magsagawa ng special election sa naturang distrito matapos itilaga si Remulla, ang nahalal na kongresista bilang justice secretary.