Hindi pa nakikita ng isang eksperto na malapit nang matapos ang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic, taliwas sa naging pahayag ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, nananatili pa rin kasing panglima ang Pilipinas sa mga bansa na may naitatalang mga namamatay dahil sa virus.
Mayroon din aniyang mga naitatala pang kaso ng community transmission sa bansa at nananatili parin ang BA.5 subvariant sa kabila nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 cases.
Kaya naman posible ani Solante na hindi pa matatapos sa susunod na dalawa o tatlong buwan ang laban kontra virus.
Ngunit siniguro ni Dr. Solante na nananatiling mababa ang healthcare utilization rate sa buong bansa. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)