Isinusulong sa Kamara ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng Rice allowance sa mga manggagawa.
Ayon kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee, dapat nang masimulan ng Kamara ang deliberasyon sa panukalang magbibigay ng “rice allowance” sa mga empleyado ng pribadong sektor upang matugunan ang tumataas na presyo ng bilihin sa bansa.
Nauna nang inihain ni Lee ang House Bill no. 1296 o ang batas na nagtataguyod ng corporative farming at nagbibigay ng mga insentibo para sa epektibong pagpapatupad nito.
Layunin nitong mahikayat ang “corporative farming” na siyang magbibigay-daan upang magpatupad ng panukala na mapapakinabangan hindi lamang ng mga empleyado sa pribadong sektor, kundi pati na rin ng mga magsasaka.
Bukod pa dito, nais din ng naturang panukala na magkaroon ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga organisasyon ng pagsasaka at mga komunidad na may mga domestic corporation.