Nakumpiska ng mga otoridad ang mahigit 900 gramo na umano’y shabu na nagkakahalaga ng P6.2 -M mula sa isang high-value target sa Pasig City.
Dahil dito, arestado sa operasyon ang 18- taong gulang na suspek na kinilalang si Jun Lawrence Lao alyas payat.
Samantala, mahaharap naman ang naturang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.