Nilinaw ng Philippine National Police ang issue sa umano’y hindi pag-aresto ng mga pulis sa mga armado umanong lalaking pumasok sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal kamakailan.
Ayon kay PNP spokesman, Col. Jean Fajardo, napag-alaman ng pulisya na totoong naka-detail ang mga security guard sa nasabing lugar subalit may security officer na kulang sa firearm registration.
Nakatakda naman anyang magpaliwanag ang sinagtala security agency kaugnay nito.
Magsasagawa ang Regional Civil Safety Unit ng Police Regional Office-4A ng administrative proceedings upang mabatid kung anong administrative liabilities ang maaaring ipataw sa naturang security agency.
Nilinaw din ni Fajardo na wala silang nakitang 30 armadong lalaki sa masungi taliwas sa naunang sumbong dahil anim na security guards lang ang nadatnan at kasalukuyang nagka-kampo sa lugar.
Samantala, kabilang din sa iniimbestihahan ay kung may mga retirado at aktibong Pulis na sinasabing naging sangkot sa iligal umanong pag-okupa sa masungi na isang protected area.