Nasa 700 centenarians o mga edad 100 pataas ang hindi pa rin nakatatanggap ng 100,000 peso cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development.
Napabilang sa waitlisted ang mga nasabing senior citizen makaraang aminin ng DSWD na walang inilaan ang Department of Budget na dagdag-pondo para sa cash gift.
Sa pagharap sa House Special Committee on Senior Citizens Organizational Meeting, inihayag ni DSWD director for Program Management Bureau Maricel Deloria kasama sa kanilang binabayaran ngayong taon ang mga na-waitlisted noong isang taon.
Ayon kay Deloria, pinaka-maraming waitlisted ay mula sa Ilocos region, 120 beneficiaries; Western Visayas, 116; Central Visayas, 110 at NCR, 45 beneficiaries.
Nagsumite na anya sila ng request para sa dagdag pondo sa DBM at kanila nang hinihintay ang tugon nito.