Niyanig ng magkasunod na lindol na may kaparehong lakas ang lalawigan ng Quezon, kagabi.
Alas 10:24 nang tumama ang magnitude 4.4 at natunton ng PHIVOLCS ang sentro nito 15 kilometro, timog-silangan ng bayan ng real.
Tectonic ang origin ng pagyanig at may babaw na isang kilometro.
Naramdaman ang intensity 3 sa Real, Lucban, General Nakar, Infanta, Polilio at Dolores, Quezon Province; Marikina at Quezon Cities; Intensity 2 sa Tagaytay City, Cavite; Talisay, Batangas at Los Baños, Laguna;
Intensity 1 naman sa Magallanes, Cavite; Alabat, Quezon; Tanay at Morong, Rizal.
Makalipas ang apat na minuto, isa pang magnitude 4.4 ang yumanig sa kaparehong epicenter o walong kilometro timog-silangan ng Real at may lalim namang tatlong kilometro.
Sa pagkakataong ito ay lumakas ang Intensity sa 4 na naramdaman sa Real, Quezon; Intensity 3 sa Lucban, Infanta at Polilio, Quezon; Maynila; Intensity 2 sa General Nakar at Dolores, Quezon;
Habang Intensity 1 sa Quezon City; Tagaytay City, Cavite; Los Baños, Laguna; Angono, Morong, Cainta at Tanay, Rizal.
Walang inaasahang aftershocks at pinsala sa magkasunod na pagyanig.