Posibleng lalong mabawasan ang mga pasahero ng mga taxi dahil sa inihihirit ng grupo ng mga taxi operator na 60 pesos na flag-down rate.
Ito’y ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, dahil maaari rin silang matalo ng mga motorcycle taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Mataas aniya ang 60 pesos na flag-down rate, kaya’t dapat itong pag-aralang mabuti.
Una nang iginiit ng Philippine National Taxi Operators Association na kinakailangan nilang magtaas ng flag-down rate dahil nahihirapan nang kumita ang mga driver at operator sa gitna ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang aming pakiusap kung may increase ay increase sa mga driver, tanungin niyo ang mga driver, ‘Iyon bang increase sa inyo ba napupunta o tumataas ba ang inyong boundary?’, So iyon ang mga issue na underground hindi niyo makikita sa desisyon no?.” -Tinig ni Lawyers for Commuters Safety and Protection president Atty. Ariel Inton, sa panayam ng DWIZ.